CAMARINES NORTE- Arestado ng mga kapulisan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte ang isang tinder ng isda dahil sa kasong Child Trafficking sa Purok 5, Barangay Catioan, Capalonga, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alyas “Onad”, residente ng nabanggit na lugar at nakatala bilang Rank 3 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa nasabing bayan
Inaresto si Onad sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong child trafficking under Section 7 of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648 na ipinalabas ni Hon. LEO LUMABAD INTIA, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte noong December 12, 2022,
umaabot sa PhP 200,000.00 ang pynansang inirekomenda ng korte para sa pansamanatalang kalayaan nito
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Capalonga MPS ang naarestong personahe.
