Nababahala ang apat na katao matapos hindi na umano nila ma-contact ang KL Ticketing Services Travel Agency na napagbilhan nila ng ticket.
Ayon sa nagrereklamo na hindi na nagpabanggit na pangalan, sa paghahanap nila ng murang mapagbibilhan ng ticket sa eroplano kaya nakita nila ito sa isang facebook page.
Noong una aniya ay maganda ang kinalabasan ng kanilang transaksyon hanggang sa nakapagbayad umano sila at naibigay ang itinerary ng ticket, subalit naalarma sila ng malaman sa Brigada News FM ang reklamo na kinakaharap sa mga naging kliyente nito.
Nang tanungin umano ang may-ari ay binanggit na nagkaroon lamang ng problema sa system at sinabi na i-rerebook ang kanilang nabiling ticket.
Matapos aniya na mag-deactivate ng account ay pahirapan na ma-contact hanggang sa kasalukuyan kaya natatakot umano sila na baka masayang ang kanilang binayaran na 17 thousand pesos kahit pa sa buwan ng September ang kanilang flight.
Samantala, sinusubukan naman ng Brigada News FM na muling makuha ang panig ng KL Ticketing Services Travel Agency, kaugnay sa panibagong reklamo.