Mahigit sa 2000 real property units na may delinquent taxes sa So.Cot, ipasusubasta

KORONADAL CITY- KASADO na sa November 22 kag 23 ang auction sale na isasagawa ng Provincial Treasurer’s Office o PTO South Cotabato sa mga real properties na may delinquent taxes.

Inihayag ni Local Treasury Operations Officer o LTOO III Zenaida Erum na 2,290 na mga real property units (RPU) na may delinquent taxes ang kasali sa publication para sa auction sale.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ito ay may kabuuang tax due na P 94 million.

Ayon sa opisyal na karamihan sa mga nakatakdang ipasubasta ay mga agricultural land at residential land na matagal na panahon na na hindi nababayaran ang buwis.

Pinakamarami sa mga ito ay nasa bayan ng Norala na aabot sa 505 real property units.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sakop ng auction sale ang 10 ka bayan sa South Cotabato at hindi kabilang ang Koronadal City.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Erum ang mga nakatanggap ng Notice of Deliquency na pumunta sa PTO sa kapitolyo o sa mga Municipal Treasurers Office at bayaran ang kanilang buwis o pumasok sa compromise agreement upang hindi masubasta ang kanilang mga ari-arian.