Isang rider, nahulog sa motorsiklo dahil inatake sa puso sa EDSA Guadalupe

Biglaan na lamang nahulog ang isang lalaki na lulan ng kanyang motorsiklo habang angkas naman nito ang isang babae kagabi.

Batay sa paunang ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakita na lamang ng isang traffic enforcer na nakabulagta na ito sa bike lane.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa isang tauhan ng MMDA na si Sir Cedric Abion, inatake raw ito sa puso sanhi ng kanyang pagkahulog.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa ngayon, wala pang inilabas na opisyal na incident report ang MMDA hinggil sa insidente.