Isang Pilipino – in-execute sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder

In-execute umano ang isang Pilipino sa Saudi Arabia dahil sa kasong murder.

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega ang pag-execute sa isa nating kababayan dahil sa ‘di umano’y pagpatay sa isang Saudi national dahil sa ‘pera’.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sabi ni de Vega, sinubukan daw nilang umapela sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, gaya ng presidential letter of appeal, at paga-alok ng blood money, pero ‘di raw ito tinanggap.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy sa Riyadh na hindi sila na-notify bago ang execution.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Anila, una nang nagpadala ng liham si Pangulong Bongbong Marcos sa KSA government, pero hindi ito kinilala ng mga pamilya ng biktima.

Tuluy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Embassy para sa siyam pang ibang nakapila sa death row.