Nanindigan ang asawa ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña na walang katotohanan ang bali-balitang tatakbo si Duterte sa pagka-Senador.
Aniya, hindi raw kinansela ng dating pangulo ang kaniyang COC sa pagka-alkalde sa Davao City.
Nilinaw din ng COMELEC-Davao na hindi pa nag-withdraw ng kandidatura si Duterte.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Davao kay COMELEC-XI asisstant Regional Director Atty. Gay Enumerables, sinabi niyang wala pa silang natatanggap na ulat ng withdrawal ni dating pangulong Duterte.
Hanggang 5PM ngayong hapon pa puwedeng mag-withdraw ng COC si Duterte.
Bago ito – una nang kumalat ang bali-balita na ‘di umano’y binawi na ni Duterte ang kaniyang COC para sa mayoral position.
Maaalalang kahapon nang nag-file ito kasama ang pamilya niya para tumakbo sa local elections.
Totoo man o hindi – bukas pa rin ang Manila Hotel Tent City hanggang alas-singko ngayong hapon.
Naghihintay din ang mga kawani ng media rito para makumpirma kung totoo bang tatabko pang senador si Duterte, ‘o hindi.