Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, bumaba

Bumaba ang unemployment rate sa Pilipinas sa buwan ng Agosto.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala lang sa 4% ang unemployment rate sa bansa – higit na mas mababa kumpara sa 4.7% noong naunang buwan.

Read More:  Employees who resigned or took maternity leave still entitled to proportional 13th month pay — DOLE

Katumbas ito ng 2.07M na mga Pilipinong walang trabaho, na mas mababa rin sa 2.22M noong nakaraang taon.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Kaugnay nito, umakyat naman sa 96% ang bilang ng mga may trabaho – mas mataas kumpara sa 95.3% noong Hulyo.

Katumbas ito ng 49.15M na mga Pilipino.