Isang Pilipina, Magna Cum laude sa US Coast Guard Academy

Kahanga-hanga ang pinamalas ng isang 21-years old student mula sa Iligan City na si Victoria Gil Regalado matapos na maging kauna-unahang Pinay na nagtapos ng degree in specialized field sa United States Coast Guard Academy.

Hindi lamang siya basta nagtapos dahil magna cum laude rin siya sa klase.

Nagsimula ang kanyang tagumpay nang mapili bilang international cadet ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng International Cadetship Program ng USCGA.

Idinisenyo ang programa upang pagyamanin ang international cooperation at magbigay ng advanced na pagsasanay sa mga future maritime leader mula sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *