BTS Jungkook maglalabas ng bagong kantang Never Let Go

GOOD NEWS MGA ARMY! Maglalabas ng bagong kanta ang K-pop sensation na si BTS Jungkook na alay niya sa kanyang fans.

Inanunsyo ng kanyang management na ilalabas ang naturang kanta sa Hunyo 7.

Ang “Never Let Go” ay ang pinakabago sa serye ng mga inilabas ng mga miyembro ng BTS habang nagpapatuloy sila sa kanilang serbisyo military.

Matatandaan na nag enlist si Jungkook noong Disyembre.

Noong Nobyembre naman, inilabas ni Jungkook ang kanyang debut studio album na Golden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *