Cebu-Negros-Panay backbone project, solusyon sa power supply challenges – PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na malaki ang maitutulong ng Cebu-Negros-Panay o CNP 230kilovolt backbone project ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa nararanasang power supply challenges ng Negros at Panay grid.

Sa kanyang talumpati sa Ceremonial Energization ng CNP sa Bacolod city kanina, sinabi ni Pangulong Marcos na tutugunan ng CNP ang tumataas na pangangailangan ng enerhiya sa lugar at mag aambag sa socio-economic advancement ng Rehiyon 6 at 7.

Binigyang diin ng Pangulo na hindi magiging economic powerhouse ang isang rehiyon kung walang maaasahang power supply.

Hadlang daw kasi sa progreso ang madalas na power outages.

Ayon sa Presidente, ang madalas na brownout ay hadlang sa pag-unlad.

Kaya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng koneksyon at katatagan sa network transmission sa tulong ng CNP, hindi lang nito masosolusyunan ang mga agaranag hamon sa kuryente sa Negros at Panay, kundi naglalatag din ito ng pundasyon para sa isang mas matatag at sustainable na enerhiya para sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *