Sugat ang tinamo ng biktima na si Ariel Cervantes Cabasal, 36 anyos, construction worker matapos na sasakin ito ng kanyang kainuman sa Purok Mabuhay, Bgy. San Isidro San Vicente Palawan.
Ang suspek ay kinilala na si Ernanie Cachambo Salcedo, 41 anyos, isang mangingisda.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, magkasamang nag-iinuman ang dalawa noong Ika-6 ng Enero nang magkaroon ng hindi pagkaunawaan.
Umuwi na umano ang suspek sa kanilang tahanan at sinundan pa ito ng biktima at doon na naganap ang pananaksak gamit ang isang itak.
Agad na isinugod sa San Vicente Medicare Ospital ang biktima na agad din umanong itinakbo sa Ospital ng Palawan.
Nahuli ang suspect sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng mga rumesponding mga awtoridad.
PPO