360 mula sa 810 na sumailalim sa antigen testing ng OVP, positibo sa COVID-19

Nagpositibo ang 360 mula sa 810 o 44% ng mga indibidwal na sumailalim sa dalawang araw na free mobile antigen test initiative ng Office of the Vice President.

Sa Swab Cab sa Quezon City mula January 5-6, ay sinabi ng OVP na nagpositibo ang 169 mula sa 400 na nagpasuri sa unang araw.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Nasa 191 naman mula sa 410 na nagpasuri ang nagpositibo sa ikalawang araw.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Ipinunto rin ng OVP na meron 94 na katao ang nagnegatibo sa Day 2, ngunit sasailalim pa rin sila sa confirmatory RT-PCR tests matapos silang makitaan ng sintomas ng COVID-19.