13th Month pay at Christmas Bunos na yata ang pinakahinihintay ng karamihan sa atin. Pero paano kung hindi pera ang matanggap mo kun’di ay Baked Potato, tatanggapin mo kaya?
Sa isang tweet sa X, ibinahagi ni Amanda ang kanyang karanasan na kung saan Baked Potato ang kanyang nakuhang Christmas Bunos sa kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya.
Nagulat at hindi magkamayaw naman ang mga netizen na nakakita ng kanyang tweet.
Ito pa ang ikinagulat ng nasabing empleyado nang malaman na ang Baked Potato na kanyang Christmas Bunos ay dapat pa umanong ikaltas sa kanyang susunod na sahod matapos patawan ito ng buwis.
Ang ilan namang mga netizen ay inilarawang “worst Christmas gift of 2023” ang nakuha ni Amanda. ### KENNETH BERMIL