Isang kumandidatong Barangay Kagawad sa Naga hangad na magpa recount

NAGA CITY –Hindi umano maiiwasan na may magreklamo at mag file ng petition sa katatapos pa lamang na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections lalo na kung naniniwala itong nagkaroon ng dayaan sa manu-manong bilangan.

Sa Naga City, kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC)  Officer Atty. Maico Julia Jr.na may isang natalong kandidato sa pagka-barangay kagawad ang nagsampa ng reklamo sa korte, dahil sa diumano’y may nangyaring mali sa pagbilang ng voto.Paliwanag ni Julia sa Brigada News FM Naga ,hindi na nila kontrolado ito lalo pa at nasa korte na ang reklamo. Anya’y ang ginagawa nila ay ibigay ang anumang mga dokumentong hinihingi ng dalawang panig na kailangan sa pagdinig ng kaso. Ang korte na anya ang magbibigay ng dsesisyon at hindi ang kanilang opisina.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation
Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samanatala, muling nagpaalala si Julia sa mga kumandidato natalo man o nanalo na magsumite na ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures o SOCE bago pa dumating ang Nobyembre 29.