Isang kadete natagpuang walang malay sa PMMA kahapon, isinugod sa ospital pero DOA

Natagpuang walang malay sa banyo sa Philippine Merchant Marine Academy o PMMA sa San Narciso, Zambales kahapon ng umaga ang isang kadete.

Base sa report, natagpuan si 4CL Jonash Bondoc, 19-anyos ng Butuan City sa banyo ng Alpha Company Barracks.

Agad na dinala sa San Marcelino District Hospital pero Dead on Arrival.

Ayon kay Pcol. Romano Cardi┼ło, Zambales PNP Director, ipinaalam na rin sa pamilya ang pangyayari at hinihintay ngayon ang opisyal na resulta ng otopsiya para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

Siniguro naman ng PMMA ang full cooperation nito sa PNP sa isinasagawang imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Bondoc.

Samantala, naghain na umano ng courtesy resignation ang commandant, battalion officer at company officer ng kadete para bigyang daana ng mas mabilis na imbestigasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Keeping your Immune System Strong must also be your Priority. GUARD-C c take as your Vitamin 100 Capsules ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C 500mgCapse Capsule VITAMIN www.a- ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *