Key military base ng America sa Afghanistan nilisan na ng US troops

Tuluyan nang iniwan ng US troops ang kanilang key base sa Afghanistan na Begram field.

Kinumpirma ni General Asadullah Kohistani na walang abiso sa kanila ang US troops na aalis na sila sa nasabing kampo.

Napag-alamang naiwan sa base ang nasa 5-libong Taliban na nakakulong sa dating American facility.

Sinabi ni Kohistani na inaasahan ng Afghan forces na sasalakay ang Taliban sa Bagram kung saan patuloy ang natatanggap niyang reports na mayroong mga paggalaw ang rebeldeng grupo sa mga rural areas.

Aminado naman si Kohistani na hindi maikukumpara ang kanilang tropa sa mga sundalong Amerikano pero tiniyak niyang ginagawa nila ang kanilang makakaya para masigurong ligtas ang kanilang mga kababayan.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay kinumpirma ni US President Joe Biden na iniwan na nila ang Begram matapos makumpleto ang kanilang military campaign sa Afghanistan bago pa man ang official end date na September 11.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *