NAGA CITY – Bagamat marami, sapat ang supply ng produktong isda sa Naga City at maganda ang bentahan sa ngayon.
Naging panawagan pa rin ng isang Fish Association sa Naga City People’s Mall sa Pangulo na babaan ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa naging panayam kay Liza Senosin, Vice President ng Fresh Fish Association, apektado rin kasi sila sa patuloy na pagtaas ng gasolina, minsan nagiging duble ang presyo sa kuha nilang isda lalo na ang ibang supply binabiyahe talaga mula pa sa Calabanga, Pasacao, Daet at sa ilan pa, minsan nga ibenibenta na rin sa mas mababagang presyo ang mga isda.
Samantala bumaba ang presyo sa ilan sa mga isda sa NCPM tulad ng Buaro P200.00 dati P160.00 na ngayon, Matangbaka P160.00 dati, P120.00 ngayon, Tulingan P200.00 dati ngayon P100.00-160.00 na.
Tiniyak naman ng opisyal na sariwa ang mga benebenta nilang isda lalo pa’t mahigpit na pinagbabawal ang isdang may amoy na.