Isang fire volunteer, patay sa sunog sa San Juan

Isang fire volunteer ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Batis sa San Juan City nitong Martes ng hapon.

Ayon sa Investigation Unit ng Bureau of Fire Protection San Juan, nabagsakan ng malaking tipak ng semento ang fire volunteer habang rumeresponde sa sunog.

Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Dinala pa sa San Juan Medical Center ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Hindi naman bababa sa 100 pamilya ang naapektuhan ng sunog

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa Brgy. Batis na idineklarang fire out mag aalas otso kagabi.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng arson investigator ng BFP ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala.