Paniniket sa mga e-bikes at e-trikes – sisimulan ngayong araw

Nakatakda nang simulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paniniket sa mga e-bikes at e-trikes na dumaan sa pangunahing kalsada sa NCR.

Ibig sabihin, hindi na lamang paalala ang aabutin; kundi pagmumultahin na rin ang mga lumalabag na light vehicle drivers.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Sa datos ng ahensya kahapon sa kanilang information drive, umabot sa 55 na mga tricycle, pedicab, kuliglig, e-bike at e-trike ang hindi sumunod sa batas, kung saan sila’y binigyang paalala sa bagong regulasyon.

Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Nabatid na papatawan ng P2,500 ang mga nahuling lalabag; habang derecho impound naman ang sasakyan kapag walang lisensiya at registration ang light vehicle.