Isang fire volunteer, patay sa sunog sa San Juan

Nasawi ang isang fire volunteer sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Batis sa Lungsod ng San Juan nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, naapula na ang sunog at nagliligpit na ang ilan sa mga volunteer at tauhan ng BFP nang gumuho ang isa sa mga nasunog na bahay na ikinasawi ng biktima na kinilalang si Chasper Kenneth Oliver.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary
Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sinubukan pang dalhin sa ospital si Chasper pero binawian rin siya ng buhay.

Wala namang nasugatan o nasawi sa mga residenteng nasunugan pero halos lahat ay wala ng naisalba.