Arestado at nahaharap sa kaso si Jobil Borris y Dumaan @ Boboy na residente sa Rizal Palawan.
Si Jobil na isang estibador ay nahuli sa drug buybust operation ng pulisya ganap na 5:40 ng hapon nitong Lunes, September 12, 2022.
Hinuli ang suspek ng mga tauhan ng Bataraza PNP, Provincial Drug Enforcement Unit, RIU- 4B at tauhan ng PDEA sa Sitio Canumay Barangay Rio Tuba, Bataraza.
Matapos ang transaksyon, nakuha sa suspek ang P1, 500 pesos, limang pakete ng suspected shabu at cellphone.