Mahigit 200 board feet ng Amogis at Taluto, kinumpiska sa Palawan

Kinumpiska ng pulisya ang mga banned species ng kahoy sa Barangay Bato, Taytay, Palawan nitong Sabado, September 10, 2022.

Ang mga lumabag sa Sec. 77 ng Presidential Decree 705 Forestry Reform Code ay sina Maricar Gonzales Francisco at Daniel Earl Ayers, ayon sa Palawan Provincial Police Office.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kargado ng search warrant ay hinalughog ng DENR-CENRO Taytay EMS kasama ang tauhan ng Taytay Municipal Police Station at 401st B MC RMFB 4B ang compound ng dalawa at doon nadiskubre ang mga kahoy.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nakumpiska ang 226. 5 board feet ng mga Amogis at Taluto na may market value na tinatayang P19, 629.00.

Ang mga ebidensya ay dinala na sa DENR-CENRO Taytay-El Nido.