Isang community youth organization sa Catanduanes, mariing kinokondena ang nangyayaring panununog sa isang kagubatan sa lalawigan

BNFM Bicol-MARIING KINOKONDENA ngayon ng isang Community Youth Organization sa Catanduanes ang nangyaring panununog ng kagubatan o kaingin gabi nitong Linggo sa Palumbanes Island, Caramoran, Catanduanes.

Sa inilabas na Facebook post ng naturang grupo kanilang inilatag ang tatlong ponto: ayon sa grupo, dapat umanong magsagawa ng masusing imbestigasyon  na madakip ang salarin sa paulit-ulit na insidente ng kaingin sa isla, magpatupad ng mga regulasyon, enforcement measures at gumawa ng resolusyon at Mag organisa ng Barangay Assembly.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dahil dito nananawagan ngayon ang kanilang grupo sa mga residente na makiisa sa kanilang panawagan matapos makumpirma na hindi lang ito ang unang beses na nangyari ang ganitong insedente sa lugar.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, agad na tumungo sa naturang lugar ang Bureau of Fire Protection (BFP), Barangay Council at ang Palumbanes Island Community Youth Organization para magsagawa ng imbestigasyon sa lugar.### KENNETH BERMIL

Courtesy: Palumbanes Island Community Youth Organization /Facebook