Nasungkit ng Bicolano pride na si Joseph Ferandez, 41 anyos ang kampeonato sa International KeiFei Bodybuilding Open Division 2023 na ginanap sa China.
Unang nakilala si Joseph bilang champion sa Philippine Federation of Bodybuilders Inc. noong 2012.
Mula noon itinuloy na nito ang kanyang hilig sa pagbubuhat at pagpapalaki ng kanyang katawan.
Ayon sa bodybuilding champion, isa sa mga nagbibigay ng inspirasyon ay ang kanyang iniidolo na si Arnold Schwarzenegger dahil sa pelikula nito na ‘Pumping Iron’.
