Tinatayang nasa 40 Indian construction workers ang na-trap sa kanilang ginagawang road tunnel sa Yamunotri National Highway matapos itong gumuho.
Ayon kay Durgesh Rathodi, state disaster response official, nagsusumikap ang rescuer na maabot sa lalim ng 2,800 meters ang mga manggagawa.
Binibigyan din sila ng oxygen sa pamamagitan oxygen cylinder na pinapadaan sa isang pipe.
Sinabi ni Rathhodi na kasalukuyan siyang nagmomonitor sa sitwasyon at pinamamadali nito ang mga otoridad doon sa rescue mission.
Ang ginagawang tunnel ay bahagi ng Chardam road project, isang apat na kilometrong lagusan ang ginagawa na nagkokonekta sa Silkyara sa Dandalgan.
PHOTO COURTESY: X/SDRF Uttarakhand Police
