Isang barangay sa Basud hiniling sa Sangguniang Bayan na gumawa ng legislative action para makontrol ang pagpasok ng mga buhay na baboy sa probinsiya

CAMARINES NORTE- Naghain ng resolusyon kamakailan ang Barangay Mangcamagong sa bayan ng Basud, Camarines Norte na humihiling sa Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan na gumawa ng legistalive action para makontrol ang pagpasok ng mga buhay na baboy hindi lang sa naturang bayan kundi sa buong Camarines Norte.

Kaugnay nito ay nagpatawag ng pagpupulong ang komite upang pag usapan ang hiling ng nabanggit na Barangay.

Dumalo sa pagpupulong na ipinatawag ng Committee on Agriculture  si Municipal Agriculturist Harry James Felomino na siya namang nagpaabot ng impormasyon hinggil sa  naging pag uusap sa  ipinatawag naman na pagpupulong ng Provincial Government noong nakaraang buwan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya isa sa mga napag usapan ay ang kaparehong isyu na may kaugnayan sa resolusyon ng naturang Sangguniang Barangay.

Ipinaabot ni Felomino sa meeting ng komite na magsasagawa na muna ng survey ang Provincial Veterinary Office kung kayang tustusan ng  local swine raiser ang demand sa karne ng baboy sa buong probinsiya.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Magdedepende umano ang aksyon ng Provincial Government sa magiging resulta ng survey.

Kaugnay nito, noong nakatalikod na linggo ay nagpalabas ng Executive Order si Governor Ricarte “Dong” Padilla na nagbabawal sa pagpasok sa probinsiya ng kakataying baboy mula sa ibang lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng Afrcian Swine Fever sa loob ng animnapung araw.

Inirekumenda naman ng Committee on Agriculture sa nakaraang regular na sesyon ng SB- Basud na i- adopt ang desisyon ng Provincial Government.