Maricar Reyes, hindi napi-pressure na walang pang anak

Ibinunyag ni Maricar Reyes na sinusubukan nila ng kanyang asawang singer na si Richard Poon, na magkaroon na ng anak, simula noong ikalawang taon anibersaryo nila bilang mag-asawa.

Pero giit ni Reyes, at “peace” naman umano siya sa kabila na hindi pa nabibiyayaan.

Pagbabahagi ng aktres na sa katunayan, nagpasuri na sila sa doktor at wala naman umanong problema.

Matatandaan na si Reyes at Poon ay ikinasal noong 2013.

Ipinagdiwang naman ng mga ito ang kanilang ninth anniversary noong nakaraang Hunyo.