Naabo sa sunog ang isang bahay at mga gamit sa loob nito sa Purok Daisy Barangay Maunlad, Puerto Princesa City.
Ayon sa City Bureau of Fire Protection, ganap na 10:30 ng umaga kanina sumiklab ang sunog sa bahay na yari sa light materials.
Ito ay pagmamay-ari ni Gayo Lapore na wala sa lugar nang sumiklab ang apoy.
Sa ngayon, nag-iimbestiga pa sa fire scene ang mga bombero para alamin ang sanhi.
Samantala, ito ang unang structural fire na naitala ngayong unang linggo ng Fire Prevention month, ayon sa BFP-PPC.