Isang bagyo – posibleng mag-develop bago matapos ang Oktubre

Binabantayan sa ngayon ang posibilidad na may isang bagyong mag-develop at pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susuno na araw.

Huling namataan ito sa may bahagi ng Pacific Ocean, pero mababa pa naman ang posibilidad na mag-landfall.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sakaling magtuloy ang bagyo, at pumasok ng PAR, tatawagin itong Bagyong Kristine.

Samantala, ngayong araw ng Miyerkules, patuloy pa ring iiral ang easterlies, partikular na sa silangang bahagi ng Visayas.

Ayon sa PAGASA, mararamdaman din ang epekto ng naturang weather system sa malaking bahagi ng Luzon, at Eastern Visayas, kaya asahan ang katamtaman hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sa nalalabing bahagi ng bansa naman, may tiyansa rin ng pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.