Quad Comm – nagpasaklolo na sa AMLC para siyasatin ang naungkat na ‘reward system’ sa drug war ng nagdaang administrasyon

Hihingin ng House Quad Committee ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa isyu ng ‘di umano’y reward system sa Extra Judicial Killings (EJKs) sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay House Committee on Human Rights Chairperson Rep. Bienvenido Abante, kung totoo man ang mga alegasyon ay dapat managot ang mga responsable at mga nakinabang mula sa sistema.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Aniya, naniniwala siya na ang susi ay ang AMLC para malaman ang naging mga transaction na may kaugnayan sa isyu.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Umapela naman si Abante sa mga pulis na nakatanggap ng reward na lumapit sa Komite at ibahagi ang kanilang mga nalalaman sa sistema upang lumabas na ang katotohanan sa ilalim ng reward system sa war on drugs.