Hinihintay na lang ng Department of Justice (DOJ) ang magiging pinal na committee report ng Quad Comm para makapagsagawa na sila ng preliminary investigation.
Kasunod ito ng mga pasabog na inilatag nina Royina Garma hinggil sa umano’y ‘reward system’, ‘Davao model’, at maging ang pagpatay kay late Tanauan City mayor Tony Halili.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Justice Usec. Raul Vasquez – sinabi nitong kailangan pa nila ang pinal na rekumendasyon mula sa House megapanel.
Pagdating naman sa panawagang isailalim si Garma at iba pa sa witness protection program (WPP) ng DOJ, sinabi nitong bukas naman silang tanggapin ang kanilang aplikasyon.
Sa kabila nito, dadaan pa rin daw ito sa review para malaman kung qualified ba sila, at kung credible ba ang kanilang testimonya.