Isang aso – nagka-dengue umano sa GenSan

Nagka-dengue umano ang isang aso sa General Santos City.

Nag-post online ang isang residente sa syudad at sinabing nangangailangan ito ng dugo para sa alagang aso nga kanyang kapitbahay dahil umano nagka dengue.

Kaugnay nit, sinabi ni Dr. Alexander Leyson ng GenSan City Veterinarian’s Office, na hindi lang tao ang pwedeng tamaan ng nasabing sakit dahil kahit hayop ay walang ligtas dito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ilan sa sintomas kapag nagka-dengue ang hayop ang panghihina, dudugo ang ilong at gums, at walang ganang kumain.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Paalala naman nito na ugaliing linisin ang kulungan ng mga alagang hayop para hindi bahayan ng mga lamok.

Kung nakararanas ng nabanggit na simtomas, ay dapat umanong isailalim sa laboratory testing ang alagang hayop para malaman kung nagpositibo sa sakit na dengue. (with reports from JANE ALIDO – 89.5 BNFM GENSAN)