Isang ama na gustong makapiling ang kaniyang pamilya ngayong undas, tinulungan ng Brigada News FM Lucena

Isang residente ng Mauban, Quezon ang natulungan ng Brigada News FM Lucena na makapiling ang kaniyang pamilya ngayong darating na Undas.

Dumulog sa Brigada News FM Lucena si Tatay Alex Repaja upang matulungan siya makauwi sa Barangay Cagbalete, Mauban, Quezon dahil lahat ng kaniyang gamit at pera ay ninakaw umano sa Sariaya, Quezon.

Read More:  Lava creep and tremor surge mark intensifying unrest at Mayon

Kasama umano sa mga nakuha kay Tatay Alex ay ang perang pang papagawa umano ng lapida ng kaniyang nanay na yumao na.

Sa kagustuhan na matulungan ng Brigada News FM Lucena si Tatay Alex, nakipag-ugnayan ang himpilan sa lokal na pamahalaan ng Mauban, Quezon para makauwi si Tatay Alex sa kaniyang mga kamag-anak.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Agad na gumawa ng paraan ang lokal na pamahalaan para makauwi si Tatay ng Cagbalete Island at makapag-pagawa lapida ng kaniyang nanay.

Walang paglagyan ang kaligayahan ni Tatay ng sya ay matulungan, nagpapasalamat din ito sa Brigada News FM Lucena at sa lokal na pamahalaan ng Mauban, Quezon sa pagtulong sa kaniya.