Itinuturing na tourist spot ang Nambaran Artistic Tomb sa Tabuk City sa Kalinga dahil sa kakaibang disensyo at makukulay nitong mga nitso.
Sa naturang sementeryo makikita ang ilang nitso na hugis barko, ibon, sapatos, truck at iba pa.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tabok City, ginawa ng tradisyon ng mga residente sa huling hiling o paboritong bagay ng namatay ang magiging hugis ng kaniyang nitso.
Isa ang Nambaran Artistic Tomb sa mga pangunahing pasyalan sa Tabok City, Kalinga lalo na ngayong Undas.