Ina binaril habang naglalaro ng scatter game; patay

Patay ang isang 29-anyos na ina matapos barilin habang naglalaro ng scatter game sa loob ng isang computer shop sa Barangay Kinasang-an, Cebu City.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kinilala ang biktima na si Josary Apostol, isang ina ng tatlong anak, habang ang suspek ay kinilala lamang sa pangalang Wilfredo, na kaibigan umano ng biktima at mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng krimen. Tinitingnan din ng pulisya ang posibilidad na may kaugnayan ito sa nilalarong online na sugal.