Isang Alkalde sa Camarines Norte hinimok ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Hinimok ng isang Alkalde sa Camarines Norte ang mga magulang na may mga anak na 5- 11 at 12- 17 taong gulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak kontra COVID- 19.

Sa harap na rin ito ng patuloy na banta ng sakit lalo na ngayong may iba’t- ibang variant na lumalabas.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon kay Basud Mayor Adrian Davoco bagamat nauunawaan umano nila na may mga magulang pa ring kinakabahan para sa kanilang anak, binigyang diin nito na marami na rin ang nakapagpabakuna sa naturang age group at maayos naman ang kanilang kalagayan.

Aniya, ilang buwan na ring nagbabakuna sa mga bata  kaya sana daw ay mawala na ang mga agam- agam ukol dito.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang importante aniya ay protektado ang mga bata kontra COVID- 19.

Sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center bago nagtapos ang buwan ng Abril nasa 96 percent na ang accomplishment o vaccination coverage ng mga batang edad 12- 17 anyos sa bayan ng Basud habang 17 percent naman sa  5- 11 anyos.