Isa umanong police rider, nakipagtalo sa otoridad matapos dumaan sa bike lane

Nakipagtalo ang isang rider na nagpakilalang pulis sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) at Philippine Coast Guard (PCG) matapos itong harangin dahil dumaan sa EDSA bike lane.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa kuhang video ng SAICT, nagpakilala ang motorista na siya raw ay isang pulis mula sa Kampo Krame.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Paliwanag nito, nagmamadali siya sa kanyang pupuntahan kaya’t napilitang gamitin ang bike lane.

Sa hinaba-haba ng diskusyon, tiniketan pa rin ng mga otoridad ang rider na nagpakilalang pulis.