Rehiyong Bikol, nanguna sa may pinakamaraming bilang ng mga ruta ng mga unconsolidated PUV sa buong bansa

BNFM BICOL—NANGUNGUNA ang rehiyong Bicol sa may pinakamaraming bilang ng mga ruta ng mga sasakyang unconsolidated o ‘yung mga hindi pa nakaka-consolidate ng kanilang mga prankisa sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa kabila ng kontrobersyal na Public Utility Vehicle Modernization Program.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Sa inilabas na datos, ang rehiyon ay mayroong 451 mas mataas sa Metro Manila na nakapagtala naman ng aabot sa 320 na mga ruta ng saksakyang hindi pa consolidated.

Samantala, matapos mapaso ang deadline ng pagpaparehistro noong Disyembre 31, 2023, pinalawig naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang huling araw ng PUV Consolidation nang tatlong buwan na maagtatapos hanggang sa Abril 30 ngayong taon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kaya naman panawagan ng LTFRB, magpa-consolidate na para hindi na maabutan pa ng inilaang ektensyon. ### KENNETH BERMIL