Dead on the spot ang isang drayber ng motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang mga angkas matapos na makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo sa kahabaan Maharlika Highway, Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte.
Ang mga biktima ay nakilalang sina BERNIE VARGAS y Villafranca, residente ng Purok 5, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte drayber ng Euro Sport 110 motorcycle na kulay blue at may angkas na dalawang pasahero
Samantala ang drayber naman ng motorsiklong Honda motorcycle na kulay color red/black ay minamaneho ni JAY TORQUATOR y Sancho, 45 anyos na truck driver at kasalukuyang naninirahan sa Purok 8, Brgy 2, Daet, Camarines Norte.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, habang minamaneho ni VARGAS ang kanyang motorsiklo sakay ang mga angkas nito at habang binabaybay ang Maharlika Highway patungong Purok 2, Brgy. Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte nang aksidenteng nakabanggaan nito ang kasalubong na motorskilo na minamaneho naman ni TORQUATOR na nagmumula sa kasalungat na direksyon.
Ang dalawang drayber pati na ang mga angkas ni VARGAS ay nasugatan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan at agad na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital para malampatan nang agarang lunas.
Sa kasamaang palad, si Vargas ay idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor samantala si TORQUATOR ay nagpositibo naman sa alcoholic breath at kasalukuyang nasa pagamutan.
Ang mga motorsiklo ay nagtamo ng hindi pa matantyang halaga ng pinsala at dinala sa Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.
(photo courtesy: CNPPO)
