CAMARINES NORTE- Patay ang isang backrider habang 6 ang sugatan sa banggaan ng isang motorsiklo at tricycle alas 2:45 kaninang madaling araw (Agosto 31, 2021) sa Maharlika Highway, P-2, Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Norte.
Nasawi ang backrider ng motorsiklo na si Salome Maer Bobis, 62 anyos at residente ng P-5 Sta Rosa Norte Jose Panganiban Camarines Norte
Ang Honda motorcycle na sinasakyan ng nasawi ay minamaneho ni Nikko John Bobis, 24 anyos, SK Chairman, at residente ng P-5 Sta Rosa Norte Panganiban Camarines Norte,
Habang ang nakabanggaan nitong tricycle ay mimaneho naman ni Glenn Rali y Gomez, 26 anyos, isang helper, at residente ng P-2 Tabas Paracale Camarines Norte sakay nito ang apat na pasahero
Sa isinagawang imbestigasyon ng Pulisya, habang minamaneho ni RALI ang kanyang tricycle sakay ang mga pasahero nito at habang binabaybay ang Maharlika Highway galing sa bayan ng Labo patungong bayan ng Daet nang aksidenteng nabangga nito ang kaliwang bahagi ng harapan ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni BOBIS na nagmula sa bayan ng Daet patungong bayan ng Jose Panganiban.

Ang dalawang drayber pati na ang angkas ni BOBIS at mga pasahero ni RALI ay nasugatan sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan at agad na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga rumespondeng personahe para malampatan nang agarang lunas.
Sa kasamaang palad, ang angkas ni BOBIS ay idineklarang dead on arrival ng Duty Attending Physician ng nasabing hospital.
Ang mga nasabing sasakyan ay nagtamo ng hindi pa matantyang halaga ng pinsala at ito ay kasalukuyang nakakustodiya ng Talisay MPS pati na ang drayber ng tricycle para sa kaukulang disposisyon.
(photo courtesy: CNPPO)
