CAMARINES NORTE- Pansamantalang itinigil ng Commission on Elections nitong mga nagdaang araw ang pagamit ng mobile application sa voter registration.
Ito umano ay upang bigyang daan ang pag upgrade ng system.
Ang mga bayan sa lalawigan ng Camarines Norte na gumagamit na ng mobile application ay ang Mercedes, Labo, Vinzons, San Lorenzo Ruiz at San Vicente.
Sa pamamagitan nito ay mas mabilis ang pagpaparehistro dahil hindi na kailangang mag- fill- up ng napakahabang form kumpara dati.
Akma rin ito ngayong panahon ng pandemya dahil maiiwasan ang mass gathering.
Simple lang ang proseso, kailangan lang mag download ng applicant ng mobile app, mag- fill out ng form gamit ang cellphone.
Pag na save na ito ay makaka -generate ng QRCode at ito lang ang ipipiresenta sa opisina ng Comelec para i- scan.
Maging sa mga islang barangay ay nasubukan na rin ang pagamit ng mobile app.


Samantala, maaari na ngayong mag reactivate ng registration record online na hindi na kinakailangang magtungo ng personal sa Comelec.
I -fill up lang ang form manually o digitally na available sa comelec.gov.ph
Pagkatapos ay i- print o i- scan ang accomplished form, valid ID at supplementary data form kung senior citizen, person with disability o PWD at person deprived of Liberty o PDL saka ipadala sa email address ng Comelec kung saan magpapa- reactivate.
Hintayin ang confirmation mula sa Office of the Election Officer para sa online interview via zoom o facebook messenger.
