Go, nanawagan sa DOH re: Gastroenteritis outbreak sa Baguio City

Naniniwala si Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go na importanteng matukoy ng Department of Health (DOH) ang sanhi ng outbreak ng gastroenteritis sa Baguio City.

Ito ay matapos banggitin ni Baguio City Health Service Office head Celia Flor Brillantes na umabot sa mahigit tatlong libo ang kasong naitalang natamaan nito.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kaugnay nito, agarang nanawagan si Go sa DOH na alamin ang sanhi ng nasabing outbreak.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Maliban dito, hinimok din ng senador ang mga ito na paigtingin pa ang information drive sa bawat komunidad.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag, isa sa labindalawang water sources sa Baguio City ang nagpositibo sa kontaminasyon. //SAC, edited: MENG TRINIDAD