Patay ang isang 18 anyos na lalaki sa nangyaring banggan ng motorsiklo kahapon ng umaga sa National Highway ng Purok Pagkakaisa Bgy. Salvacion, lungsod ng Puerto Princesa.
Kinilala ang nasawi na si Jhon Mark Laude residente ng Purok Masikap Bgy. Bancao-Bancao, habang ang angkas nito ay kinilala na si Arman Ola Magbanua 18 anyos residente ng Purok Maligaya, Bgy. Bancao-Bancao.
Sa ulat ng Police Station 2, galing sa city proper papuntang Bgy. Macarascas ang biktima nang makasalubong nito ang isang motorsiklo na minamaneho Gerald Servando Cebuano 27 anyos residente ng Purok 1 Bgy. Retac, Roxas Palawan na patungo sa lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon na sinakop ni Cebuano ang linya ng biktima dahilan na nabangga niya ito.
Dead on arrival nang dalhin sa pagamutan ang biktima habang ang sakay nito ay kritikal pa rin sa pagamutan.
Dinala sa Police Station 2 si Cebuano at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide Serious Physical Injuries and Damage to Property.