PH, nakapagtala ng 13,827 new COVID-19 cases sa kabila ng mababang lab output

Nakapagtala ang bansa ng 13,827 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 1,989,857 

Ayon sa Department of Health (DOH), mababa ang bilang ng kaso na naitala dahil sa mababa ring output ng mga laboratoryo.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 145,562 ang active cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 95.9 percent ang mild, 1.4 percent ang asymptomatic, 1.1 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Umabot naman na sa 1,810,847 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 16,759 pang pasyente.

Samantala, nasa 33,448 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 118 bagong fatalities.