Isa pang suspek sa pagkamatay ni Ahldryn Bravante dahil sa hazing, sumuko na rin sa mga awtoridad

Sumuko na rin sa Quezon City Police District ang isa pang suspek sa pagkamatay ng estudyanteng si Ahldryn Bravante dahil sa hazing.

Kinilala ito ng Quezon City Police District na si John Arvin Kaylle Regualos Diocena.

Kwento ng suspek sa pulisya, humarap na siya sa mga awtoridad para malinis ang kanyang pangalan lalo pa’t hindi naman daw siya ang pumalo o nag paddle sa biktima. Naroroon lamang daw siya sa pinangyarihan ng initiation rights.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Pinangalanan na rin ng mga awtoridad ang pang limang sumuko kagabi na si John Xavier Arcosa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa labing anim na natukoy ang pagkakakilanlan ang suspek, sampu pa ang hinahanap ng mga awtoridad.

Nauna nang sinampahan ng kaso ang unang apat na suspek ng paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 sa Quezon City Prosecutor’s Office.