Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pilipino ang napatay sa Israel-Hamas conflict.
Ayon kay DFA Sec. Enrique Manalo, apat na ang kumpirmadong Filipino casualty sa nagpapatuloy na giyera.

Samantala, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na ang biktima ay isang Pinay na nagtatrabaho bilang isang caregiver sa southern Israel.
Isa raw siya sa mga unang napaulat na missing.
Sa ngayon, kinukumpirma pa raw kung siya ba ay napatay sa pag-atake, ‘o dinakip ng mga militante.
Sa huli, tiniyak ng DFA ang tulong ng Gobyerno sa mga naulila ng mga namatay na overseas Filipinos sa Israel.
Sa susunod na buwan inaasahang maibabalik sa bansa ang mga labi ng isa sa apat na Pinoy na casualty; habang ang dalawa’y maibabalik ng Pilipinas sa mga susunod na linggo.