Marcos: Maharlika Investment Fund, tuloy pa rin!

Nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos na tuloy-tuloy pa rin ang gobyerno sa pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund.

Kasunod ito ng mga lumabas na balitang ipinahihinto na raw ang implementasyon nito.

Sa departure speech ng Pangulo kaninang umaga bago tumulak sa Riyadh Saudi Arabia, sinabi nitong nabahala sya sa mga lumabas na balita.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon sa Pangulo hindi ipinatitigil, kundi inaayos lang ang organizational structure ng Maharlika fund.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Committed pa rin anya ang pamahalaan na maging operational ang MIF bago matapos ang taon.

Nabatid na kabilang ang Maharlika Investment Fund sa mga tatalakayin ni Pangulong Marcos sa bilateral meeting nito sa ilang sa business leader sa Saudi.