Inirekumenda ng grupong SINAG ang muling pagbabalik sa price ceiling sa bigas sa pagpasok ng Nobyembre.
Sabi ni SINAG chairperson Rosendo So – ito raw ang naisip nilang hakbang para maiwasan ang muling pagsirit ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Maaari raw ipataw ang price cap na P45 sa kada kilo ng local at imported na well-milled rice.
Aniya, kasabay ito ng papalapit na pagtatapos ng harvest season.
Paliwanag niya, nabibili raw kasi sa P23 hanggang P24 ang kada kilo ng inaning palay pero dahil patapos na ang anihan ay posibleng imanipula raw ito.