Isa pang kaso ng pananaksak ng buntis naitala sa Sorsogon

Naitala ang isa pang kaso ng pananaksak ng buntis sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ayon sa Bulan MPS, ang biktima ay isang 38 taong gulang na kinilalang si Almira Domingo, tatlong buwang buntis mula sa Zone 7, Bulan, Sorsogon, na idineklarang dead on arrival sa hospital.

Kinilala naman ang suspek na si Jaymar Gito Gustuir, 30 taong gulang mula sa kaparehong barangay.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa imbestigasyon ng Pulisya, matagal na umanong may alitan ang pamilya ng suspek at biktima, pero nito lang alas 9:00 ng gabi ng Biyernes, tinambangan ang biktima ng suspek sa daan kasama ang anak nitong 1-anyos at bigla nalang nitong pinagsasaksak ang biktima gamit ang kutsilyo.

Nagtamo ng 22 tama ng saksak ang biktima.

Agad naman nahuli si Gustuir at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis para sa kaukulang disposisyon.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kung babalikan, sa parehong bayan din, sa Purok 1, Brgy Quezon nang pagsasaksakin  ang dalawang buwang buntis, nang manlaban ito sa suspek sa tangkang panggagahasa.

Pinokpok pa sa ulo ng suspek ang tatlong taong gulang na anak nito.

Himas rehas na ang suspek makaraang sampahan ito ng Attempted Rape with Homicide at Unintentional Abortion.