Irrigated areas na apektado ng El Niño sa Albay, nasa 500 ektarya – NIA Bicol

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol na nasa halos limangdaang ektarya lamang ng mga taniman na may irigasyon ang apektado ng El Niño phenomenon sa lalawigan ng Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NIA Bicol Regional Manager Engr. Gaudencio De Vera, sinabi niya na nakapaglagay sila ng water pumps at nakapagbigay ng pipes upang maisalba ang mga palay.

Subalit, aniya, higit na malaki ang naitala sa buong rehiyon kung babasehan ang report ng Department of Agriculture.

Samantala, inaasahan umano nila na sa susunod na taon ay mabigyan ng asistensya ang mga magsasaka at tapusin ang mga programang may kinalaman sa solar pumps upang mayroon silang mapagkukunan kung magkaroon muli ng tagtuyot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *